Karagdagang puwersa ng Police Regional Office 4A, naka-alerto para sa mabilis na pagresponde sa mga apektado ng vog

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagana na ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) ang kanilang Reactionary Standby Support Force (RSSF).

Ito’y para tumulong sa mabilis na pagtugon sa mga apektado ng volcanic smog (vog) mula sa Bulkang Taal sa kanilang rehiyon.

Kasunod nito, ipinag-utos ni PRO-4A Director, Police Brig. Gen. Kenneth Lucas sa mga tauhan nito na tiyaking handa ang kanilang mga asset gaya ng mga kagamitan, sasakyan at evacuation centers sakaling kailanganin.

Inatasan din nito ang lahat ng Provincial Directors at Chiefs of Police na makipag-ugnayan sa mga Lokal na Pamahalaan na apektado ng vog.

Pinag-iingat naman ni Lucas ang mga residenteng apektado sa peligrong dulot ng vog lalo na sa kanilang kalusugan.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us