Hindi tatantanan ng pamahalaan ang paghahabol kay dating Bamban Mayor Alice Guo kahit nakalabas na ito ng bansa.
Ito ang tiniyak ni Presidential Anti-organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston John Casio, kasabay ng pagkumpirma na nakalabas ng bansa si Guo base sa impormasyong nakalap ng PAOCC mula sa mga dayuhang immigration office.
Ayon kay Casio nakalabas ng bansa is Guo sa pamamagitan ng “back door” at hindi dumaan sa regular na proseso ng imigrasyon.
Kasabay nito, sinabi ni Casio na mananagot din ang sinumang napatunayang nagpabaya sa trabaho na nagbigay ng opprtunidad kay Guo para makatakas.
Paliwanag naman ni Casio na may 2 legal na paraan para mahabol ng mga awtoridad si Guo, at ito ay sa pamamagitan extradition treaty sa pinal na bansang pupuntahan nito, o sa pamamagitan ng Interpol “Red notice” kapag may nailabas nang warrant of arrest ang Korte. | ulat ni Leo Sarne