Hindi isinasantabi ng Task Force La Nin̈a ang posibleng pagkalat ng sakit sa tao at maging sa hayop sa panahon ng bagyo at malawakang pagbaha.
Ayon kay PCO Assistant Secretary at Task Force La Nin̈a Spokesperson Joey Villarama, kabilang ito sa kanilang tatalakayin sa mga ginagawang paghahanda ng pamahalaan bago pa ang panahon ng La Nin̈a
Partikular na kanilang tututukan ang posibleng epekto ng La Nina sa pagkalat ng African Swine Fever o ASF.
Una nang sinabi ng Department of Agriculture, na ang bagyong Carina at pagbaha ang isa sa tinitingnang dahilan sa pagkalat ng ASF sa Batangas.
Ayon sa Task Force, batay sa datos ng PAGASA, ang La Nina ay posibleng maramdaman na mula sa susunod na mga buwan. | ulat ni Rey Ferrer