QC LGU, naka alerto na laban sa sakit na MPox

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaiigting na ng Quezon City Government ang monitoring sa sakit na Mpox o Monkeypox.

Kasunod ito ng ulat ng Department of Health (DOH) na may isa nang kaso ng Mpox sa Pilipinas.

Ayon sa QC Epidemiology and Surveillance Unit, ang Mpox ay isang nakakahawang sakit na isang uri ng Ortho poxvirus.

Karamihan sa mga nagkakasakit nito ay gumagaling din, ngunit may ilan ay nagiging malubha.

Ayon sa CESU, kailangan manatiling updated ang publiko tungkol sa panganib ng Mpox sa komunidad.

Dapat ding malaman ng mga ito ang mga sintomas, at regular na suriin ang sarili para sa mga sintomas.

Nauna nang idineklara ng World Health Organization na isa nang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) ang nasabing sakit. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us