Pinangunahan ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. ang pagbubukas ng Western Visayas Regional Science Technology and Innovation Week (RSTW) 2024 sa Lalawigan ng Antique.
Tampok sa selebrasyon ang launching ng iba’t ibang proyekto ng ahensya sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang partner institution.
Kasama sa mga pinasinayaang proyekto ang NatDyes o Natural Dyes Hub sa bayan ng San Remegio. Layunin nitong isulong ang paggamit ng indigenous materials gaya ng Mahogany at Turmeric bilang pangkulay sa damit.
Inilunsad rin ngayong araw ang Western Visayas Innovation Hub sa bayan ng Sibalom at ang Learning Hub naman para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa bayan ng San Jose de Buenavista.
Sentro ng selebrasyon ang blue at green economy ng rehiyon anim.
Magtatagal ng tatlong araw ang RSTW sa University of Antique; mula Agosto 22 hanggang 24. | via Hope Torrechante, Radyo Pilipinas Iloilo
Photos: DOST Regional Operations