Sinabi ni Finance Sec. Ralph Recto na maituturing na tagumpay ng mga Pilipino ang natamo ng Pilipinas na investment grade rating na BAA2 rating with stable outlook mula sa Moody’s.
Ayon kay Recto, ito ay sumasalamin ng strong confidence ng mga investors sa bansa dahil samedium-term growth at pagsasabatas ng mga investment-friendly reforms at patuloy na fiscal consolidation efforts ng gobyerno.
Inaasahang magdadala ito ng de kalidad na trabaho, mataas na kita at bawas kahirapan sa bansa dahil ayon sa kalihim ang Moody’s affirmation ay magbubukas ng greater access sa mas affordable financing para suportahan ang mga proyekto.
Diin ng kalihim, patuloy ang pamahalaan na lumikha ng enabling environment para sa stronger private sector collaboration na maghahatid ng mas maraming investment at industry development. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes