Nagsanib pwersa ang Overseas Workers Welfare Administration at ang Pamahalaang Lungsod ng Makati para mabigyan ng assistance ang Overseas Filipino Workers sa pamamagitan ng OWWA help desk.
Ayon sa anunsyo ng Makati City, nakipagkolaborasyon ang Makati Public Employment Service Office (PESO), sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para makapagbigay ng libreng konsultasyon na may kinalaman sa mga benepisyong handog ng OWWA.
Ang naturang help desk ay matatagpuan sa 5th floor, Building I, ng Makati City Hall, sa darating na August 30, 2024, mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Magkakaroon din ng education and training assistance para sa mga kwalipikadong indibidwal.
Bisitahin ang Facebook page ng Makati LGU para sa karagdagang detalye. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Makati LGU