Cavite Solon, nagpasalamat sa tulong na handog ni Pangulong Marcos sa mga mangingisda sa probinsya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Cavite Representative Jolo Revilla kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ipinagkaloob na tulong sa mga mangingisdang apektado ng oil spill sa unang distrito ng Cavite.

Ayon kay Revilla, sa kabila nang maulang panahon itinuloy pa rin ng punong ehekutibo ang kanyang Distribution of Presidential Assistance on Farmers Fisher Folks and family, sa bayan ng General Trias Cavite.

Aniya, malaking tulong ito upang makabangon ang industriya ng pangingisda lalo na ang mga naapektuhan ng oil spill.

Diin ng mambabatas, na sa pamamagitan ng pagkakaisa at suporta sa bawat isa ay tuloy-tuloy ang daloy ng progreso at serbisyo alinsunod sa hangarin ng “Bagong Pilipinas”.

Ramdam aniya ng mga Caviteño ang tulong at pagmamalasakit ng Pangulo sa kanila. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us