Bineberipika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang dalawang iniulat na nasawi at 10 sugatan dahil sa epekto ng bagyong Enteng at Habagat.
Sa 8am update ng ahensya, pawang mula sa Region 7 ang mga nabanggit na biktima.
Dalawang straktura din ang iniulat na nag-“collapse” at isang landslide ang naganap dahil sa matinding pag-ulan sa naturang rehiyon.
Samantala, nasa 63 indibidwal o 14 na pamilya mula sa 3 bgy sa Cebu city ang naiulat na apektado.
Mula sa nabanggit na bilang 43 katao ang nananatili ngayon sa evacuation center sa nabanggit na rehiyon.
Patuloy naman naka antabay ang NDRRMC sa iba pang report mula sa mga apektadong rehiyon. | ulat ni Leo Sarne