Mabilis na rumesponde ang iba’t ibang Philippine Army unit at reservists para tulungan ang mga biktima ng pagbaha na dulot ng bagyong “Enteng” sa iba’t ibang apektadong lugar.
Tumulong ang Disaster response team mula sa 16th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division sa paglikas ng mga residenteng apektado ng “Enteng” sa Labo, Camarines Norte.
Habang naligtas naman ng disaster response team mula sa 1st Infantry Battalion ng 202nd Infantry Brigade ang isang buntis na nasa ka-buwanan sa Barangay Sinag-Tala, Mabitac, Laguna.
Tumulong din ang disaster response team mula sa 84th Infantry Battalion ng 7th Infantry Division sa mga biktima ng baha sa San Jose City, Nueva Ecija.
Nakahanda naman ang mga tauhan at kagamitan ng 2nd Regional Community Defense Group ng Reserve Command, Philippine Army (RCPA) para deployment sa mga sinalantang lugar sa Cagayan Valley Region. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of Phil. Army