Red Cross, nanawagan ng donasyon para sa mga apektado ng bagyong Enteng at habagat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) sa sinumang nagnanais magpadala ng kanilang donasyon para sa mga apektado ng pananalasa ng bagyong Enteng at habagat.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, kahit magkano ay kanilang tatanggapin upang maipagpatuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng kalamidad.

Para naman kay PRC Secretary General, Dr. Gwen Pang, makatutulong ang anumang tulong na ipadadala sa kanila upang makabili ng inuming tubig, pagkain, at iba pang pangangailangan ng mga apektadong komunidad.

Mapalalakas din nito, ani Pang, ang kanilang pagtugon partikular na sa Search and Rescue gayundin ang pagbibigay ng health service at matulungang makabangon muli ang mga apektado ng sakuna.

Mangyari lamang bisitahin ang social media pages ng PRC para sa mga detalye kung saan maaaring maipaabot ang tulong katuwang ang iba’t ibang bangko. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us