Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura ang pagbisita kahapon sa Camp Aguinaldo ng mga soldier-athletes na lumahok sa Paris Olympics at World Eskrima Kali Arnis Federation (WEKAF).
Ang pagbisita ng mga soldier-athlete ay naging pagkakataon para itanghal ang kanilang “dual role” bilang tagapagtanggol ng bansa at tagapagsulong ng “sports excellence”.
Binati ni Lt. Gen. Cordura ang mga atleta sa kanilang dedikasyon at paghahatid ng pandaigdigang karangalan sa Pilipinas.
Nagpasalamat din ang mga atleta sa buong suportang ibinigay sa kanila ng Sandatahang Lakas.
Tiniyak naman ni Lt. Gen. Cordura ang patuloy na suporta ng AFP sa mga soldier-athletes sa pagtatanghal ng kanilang talento sa “global stage”. | ulat ni Leo Sarne
📷 PFC Carmelotes/PAOAFP