Malugod na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kumpirmasyon ng Commission on Appointments ng ad-interim appointment ng 32 Heneral at Flag-Officer ng militar sa plenary session kahapon.
Ito’y matapos na paborableng irekomenda ni Committee on National Defense Chairperson Rep. Jurdin Jesus M. Romualdo ang promosyon ng mga nabanggit na opisyal, base sa kanilang natatanging serbisyo sa bayan.
Sinuportahan ito ng mga miyembro ng komisyon kasabay ng pagkilala sa natatanging kontribusyon ng mga nabanggit na opisyal militar sa pambansang seguridad at serbisyo publiko.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang kumpirmasyon ng mga senior officials ay pagkilala sa commitment ng AFP na panatilihin ang matatag na pamamahala at itaguyod ang pinaka-mataas na antas ng propesyonalismo at dedikasyon sa serbisyo militar. | ulat ni Leo Sarne
📷 A1C Castro/PAOAFP