Alice Guo, darating sa Villamor Airbase mula sa Indonesia pasado alas-10 ngayong gabi – PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang bandang alas-10 o alas-11 mamayang gabi darating sa Villamor Airbase si dismissed Bamban Mayor Alice Guo, kasama ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. at Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil, sakay ng isang chartered flight.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, kasabay ng pagsabi na magkakaroon muna ng pagpupulong ngayong hapon sa Indonesia ang mga opisyal ng dalawang bansa, bago ibiyahe pabalik ng Pilipinas si Guo.

Ayon kay Fajardo, pagdating sa Villamor airbase ay magsasagawa muna doon ng pulong balitaan na pangungunahan ni Sec. Abalos at Gen. Marbil, bago dalhin si Guo sa Camp Crame para sa medical examination.

Pagkatapos nito ay itu-turn over ng pulisya si Guo sa Senate Sergeant at Arms dahil ang Senado ang naglabas ng warrant of arrest laban kay Guo. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us