Hindi pa rin tatantanan ni Manila Representative Joel Chua ang pag ungkat sa isyu ng matinding pagbaha sa Metro Manila.
Sa panayam ng media kay Chua sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, sinabi nito na kailangang mausisa kung bakit patuloy na nagiging problema ang pagbaha sa kamaynilaan.
Ito ay kasunod na rin ng naranasang mga pagbaha sa National Capital Region (NCR) at CALABARZON dahil sa bagyong Enteng gayong katatapos lang din aniyang manalasa ang bagyong Carina na nagpalubog sa kamaynilaan.
Sabi ni Chua, may pagkakataon pang pagpaliwanagin ang mga ahensya dahil hindi pa naman tapos ang budget hearing ng Kamara.
Aminado naman si Chua, na sa Maynila, kailangan ng overhaul sa kabuuang drainage system dahil sa luma at maliliit na ang mga ginamit na daluyan ng tubig doon. | ulat ni Kathleen Forbes