Quiboloy, 4 na kapwa akusado nito, nakatakdang ihatid sa korte ngayong araw para isauli ang Warrant of Arrest laban sa kanila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang iharap sa mga Korte ng Pasig at Quezon City ngayong araw sina Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy gayundin ang apat pang kapwa akusado nito.

Ito’y para sa mga kasong Child Abuse at Sexual Abuse na inilipat sa Quezon City Regional Trial Court buhat sa Davao City habang sa Pasig RTC naman nakabinbin ang kasong  Qulified Human Trafficking na isinampa laban kina Quiboloy.

Kasamang naaresto ni Quiboloy sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada, at Sylvia Cemañes sa loob ng KOJC Compound sa Davao City kasunod ng magkatuwang na operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Alas-5:30 kahapon nang makuha ng PNP ang kustodiya kina Quiboloy, saka sila dinala patungong Maynila sakay ng C-130 plane ng AFP at dumating sa Villamor Airbase ng alas-8:30 ng gabi.

Idiniretso ang mga ito patungong Kampo Crame at nakarating dakong alas-9:30 ng gabi kung saan sila dinala sa PNP Custodial Facility.

Sila ay sumailaliim sa medical at physical examination na sinundan naman ng booking procedure kasama na ang fingerprint at mugshot bilang bahagi ng proseso.  | ulat ni Jaymark Dagala

📸: Sec. Benhur Abalos

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us