Dating Mayor Alice Guo, nasa maayos nang kalagayan bago ihatid sa Senado makaraang makaramdam ng pananakit ng tiyan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa maayos nang kalagayan si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bago ito umalis sa Philippine National Police (PNP) Custodial Facility sa Kampo Crame para ihatid patungong Senado.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo makaraang makaranas ng pananakit ng tiyan ang dating alkalde nitong weekend dahil sa pag-inom ng tubig gripo sa kanyang selda.

Ayon kay Fajardo, sumailalim sa medical test si Guo bago ito ibiyahe at doon nakumpirmang bumuti na ang kalagayan nito.

Uminom lamang ito ng tubig at hindi na nag-almusal at sa halip ay humiling ito ng ilang faith-based book gaya ng Purpose Driven Life at Bibliya.

Samantala, iniulat din ni Fajardo na nakakain na rin ng almusal sa kanilang selda sina Pastor Apollo Quiboloy gayundin ang mga kapwa akusado nito.

Kumain umano sila ng kanin, pritong itlog, meatloaf, at kape.

Wala pang oras kung kailan ibabalik ang kanyang arrest warrant sa Quezon City RTC at Pasig RTC dahil inaayos pa ang kanilang mga dokumento. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us