Nakapokus ang pamahalaan sa judicial process na haarapin ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy at hindi sa pag-eextradite dito sa Estados Unidos kung saan mayroon din itong kinakaharap na mga asunto.
Sa media interview kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay sinabi nitong nagawa na ng nasa Ehekutibo ang utos ng Korte na arestuhin ang religious leader at nasa kamay na aniya ngayon ng judiciary ang susunod na hakbang kay Quiboloy.
Ang tinitingnan ani nila, sabi ng Pangulo sa pagkakataong ito ay ang pag-usad sa mga kasong kinakaharap ni Quiboloy sa bBansa kaysa ang maipa-extradite ito sa US.
At ngayong hawak na ng gobyerno si Quiboloy, inihayag ng Chief Executive na hindi niya nakikitang anyo ng pagsuko ang naging paglutang ng KOJC leader.
Sa naging sitwasyon aniya ng tinaguriang son of God ay napilitan na lamang itong lumutang gayung sukol na ito ng mga otoridad. | ulat ni Alvin Baltazar