Pasok sa top 10 ng mga nangungunang alkalde sa National Capital Region (NCR) si Marikina City Mayor Marcy Teodoro.
Ito ay batay sa resulta ng August 2024 Pulso ng Bayan survey.
Ayon sa survey, na isinagawa ng Social Pulse Research, layon nitong sukatin ang opinyon ng publiko tungkol sa performance ng mga lokal na lider.
Sa 2,000 adult respondents at may margin of error na ±3%, lumalabas na patuloy na nagtitiwala at kuntento ang mga residente ng NCR sa kanilang mga mayor.
Nanguna sa listahan si Quezon City Mayor Joy Belmonte na mayroong approval rating na 91.1%, kasunod sina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na may approval rating 90.6%, Pasig City Mayor Vico Sotto na may approval rating 90.1%, at pang siyam naman si Mayor Teodoro na may approval rating na 83.2%. | ulat ni Diane Lear