P19-M halaga ng LPG refilling equipment, nakumpiska ng CIDG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang P19 milyong halaga ng kagamitan sa pag-refill ng LPG at mga tangke ng LPG sa operasyon sa Brgy. 163 Sta. Quiteria, Caloocan City, noong Sabado ng madaling araw.

Ang operasyon ay inilunsad sa bisa ng search warrant na inisyu ng Makati Regional Trial Court Branch 148 laban sa may-ari at operator ng Pyro LPG Refilling Station, na sangkot umano sa iligal na pagbebenta at distribusyon ng LPG products.

Nang isagawa ang operasyon, wala ang mga may-ari pero siyam na empleyado ng kumpanya ang naaresto.

Narekober sa kanila ang 140 LPG cylinder tanks, dalawang delivery truck, samu’t saring refilling equipment, P3,800 cash at mga resibo.

Tiniyak naman ni CIDG Director Police Major General Leo Francisco, na puspusan nilang ipatutupad ang utos ni PNP Chief Police General Marbil na tugisin ang mga sangkot sa mga illegal na business operation para mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us