Nakapaghatid na ng mahigit P48.14-M humanitarian aid ang Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang naapektuhan ni bagyong Ferdie at pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon.
Kabilang sa inihatid na tulong ang mga pagkain ,mga non-food items at cash assistance.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, may kabuuan 17,279 pamilya o katumbas ng 57,226 katao ang naapektuhan ng volcanic activities ng bulkang Kanlaon noong Hunyo at ngayong Setyembre.
Nagmula ang mga ito sa 23 barangays sa Western Visayas at Central Visayas.
Abot naman sa 98,274 pamilya o 357,906 indibidwal ang naapektuhan ni bagyong Ferdie.
Kabilang sa naapektuhan ang 764 barangays sa MIMAROPA region, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. | ulat ni Rey Ferrer