Hindi natagpuan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa kanyang dalawang address sa Metro Manila.
Ito ang iniulat ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame, base sa kanyang pakikipag-usap kay CIDG Director Police Major General Leo Francisco.
Ang pahayag ay ginawa ni Fajardo kaugnay ng atas sa PNP na tulungan ang House Sergeant-at-arms na ipatupad ang arrest order laban kay Roque, matapos i-cite in contempt ng House Quad Committee.
Tinyak naman ni Fajardo na puspusan ang pagsisikap ng CIDG para maaresto si Roque at sa katunayan aniya, ang lahat ng pulis na may kopya ng arrest order ay maaaring arestuhin onsite ang dating tagapagsalita ng Malacañang.
Si Roque ay ipinaaresto ng House of Representatives dahil sa kaniyang pagtanggi na isumite ang mga pina-subpoenang dokumento na may kinalaman sa imbestigasyon sa POGO, kabilang ang kanyang mga personal na bank statements. | ulat ni Leo Sarne