Inanunsyo ngayon ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nakatakdang pangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Agrarian Reform Secretary Conrado M. Estrella III ang pamamahagi ng mga Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) at ang pagpapasinaya ng mga farm-to-market roads (FMRs) sa Coron, Palawan bukas, Sept. 19, 2024.
Ayon sa DAR, nasa 1,217 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ang makakatanggap ng 1,234 E-Titles na naipamahagi at nairehistro sa ilalim ng Project SPLIT.
Bukod dito, magbibigay rin ang DAR ng 53 CLOA sa Narra, Palawan, isang resettlement area, sa ilalim ng regular na programa nito.
Ayon sa DAR, itinuturing nila itong isang pambihirang tagumpay matapos ang mga balakid sa pagkuha at pamamahagi ng Busuanga Pasture Reserve (BPR).
Bukod dito, papasinayaan din ng DAR ang mga pangunahing Farm-to-Market Roads upang mapabilis ang paghahatid ng mga produkto sa bawat komunidad. | ulat