3 suspek sa pamamaril at pagpatay sa 2 barangay tanod sa Barangay Sauyo, arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado na ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong suspek sa pamamaril at pagpatay sa dalawang barangay tanod sa Barangay Sauyo, noong Martes ng gabi.

Kabilang sa mga naaresto ang gunman na si Ricardo Caspillo Lucas Jr., ang driver ng motorsiklo na si Ernie Carlin Tamboan, at ang ka-live in partner ng gunman.

Ayon kay QCPD Director Brigadier General Redrico Maranan, nag-ugat ang krimen sa pagsita ng mga tanod sa tatlo dahil sa ingay ng kanilang videoke. Nauwi ito sa pagtatalo at pamamaril ng mga suspek, na ikinasawi ng dalawang tanod at ikinasugat ng isang sibilyan.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang QCPD Station 3, na nagresulta sa pagkaka-aresto sa tatlong suspek sa Payatas area.

Sinabi ni Maranan, na ang isa sa mga suspek ay may mga kaso ng murder, homicide, at iligal na droga, kaya’t tinawag niya ang mga ito na “extremely armed and dangerous.”

Nagpasalamat naman si Maranan sa pagkakahuli sa mga suspek, dahil maaaring maghasik pa sila ng karahasan sa nalalapit na eleksyon.

Tumanggi naman ang mga suspek na magbigay ng pahayag sa media. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us