Photo courtesy of the Office of the House Speaker
Pormal na inilunsad ngayong September 27, ang ika-24 na sigwada ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa lalawigan ng Cavite.
Malaki ang pasasalamat ni Cavite Gov. Jonvic Remulla sa pamahalaan sa paglalapit ng serbisyo ng mga ahensya sa mga Caviteño na aniya ay unang beses na nangyari.
Sa dalawang araw na BPSF Cavite, aabot sa 120,000 indibidwal ang makakatanggap ng benepisyo.
Kabuuang isang bilyong piso naman ang halaga ng serbisyo at programa na dala ng serbisyo caravan kung saan P450 million dito ay tulong pinansyal.
Maliban dito, mamamahagi rin ng nasa 225,000 na kilo ng bigas.
Muli namang tiniyak ni Speaker Romualdez na kaisa sila sa hangarin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagsasama-sama para sa pagbangon sa isang Bagong Pilipinas. | ulat ni Kathleen Forbes