Pagbibigay prayoridad at sama-samang pagtugon vs. Climate Change, ipinanawagan ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng sama -sama at pinag-isang hakbang ng Asia at Pacific region upang tugunan ang epekto ng Climate Change.

Sa pre-recorded message ng pangulo sa ginanap na United Nations Regional Forum sa Thailand, binigyang diin ng pangulo na ang Climate Change ay nananatiling pinakabanta na hinaharap ng kasalukuyang panahon.

Nakikita at ramdaman aniya sa rehiyon ang epekto nito, mula sa tumataas na sea level hanggang sa dumadalas at lumalalang weather events.

Ayon kay Pangulong Marcos, para sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asia-Pacific Region, ang pagsasakatuparan ng 2030 agenda para sa sustainable development ay nakasalalay sa kapasidad ng lahat na magtulungan at magkaisa sa pagtugon sa global challenges.

Kailangan rin aniyang bigyang prayoridad ang climate action sa UN cooperation, at matiyak na ang limitadong resources nito ay maggagamit at magkakaroon ng impact sa mga pagtugon sa pagbabago ng panahon. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us