Promotion para sa paggamit ng biofertilizer, sisimulan na sa Oktubre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng pamahalaan na masimulan na ang malawakang promotion ng biofertilizer sa bansa pagsapit ng Oktubre at Nobyembre, para sa pagpapalakas ng rice production sa Pilipinas.

Pahayag ito ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, kasunod ng inilabas na Memorandum Order no. 32 o ang guidelines para sa pamamahagi at paggamit ng biofertilizer.

Ang MO. no. 32 ang siya ring magiging basehan sa bidding process ng pamahalaan para sa malawakang paggamit nito sa bansa.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na base sa isinagawa nilang pag-aaral, mas maganda ang performance na ipinapakita ng biofertilizer tuwing tag-araw.

Dahil dito, sa Oktubre at Nobyembre, sisimulan na ng pamahalaan ang pagpo-promote ng biofertilizer sa bansa upang magamit ito ng mga magsasaka sa angkop na panahon ng pagtatanim.

Kung matatandaan, una nang tiniyak ng gobyerno na hindi na mauulit ang 2004 fertilizer scam sa pagsusulong ng paggamit ng biofertilizer sa bansa.

Nakapaloob na kasi sa ibinabang memorandum ang mga criteria na dapat masunod, tulad ng pagiging cost effective ng biofertilizer.

Nakapaloob rin dito na dapat ay mayroong efficacy at napatunayang mabisa ang produkto sa isang lugar o rehiyon.

Kailangan rin na locally produced ang biofertilizer.

Bukod dito, kailangan rin na hindi lang basta ipagbibili sa pamahalaan ang biofertilizer, bagkus, dapat ay mayroon ring kakayahan ang mga kumpaniyang magbebenta nito na ituro sa mga magsasaka ang tamang paggamit ng kanilang produkto. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us