PNP, may lead na sa ginagawang pagtugis kay Atty. Harry Roque

Facebook
Twitter
LinkedIn

May sinusundan nang lead ang Philippine National Police (PNP) sa ginagawa nitong pagtugis kay dating Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque.

Sa isang panayam kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, sinabi nito na maingat na sinusubaybayan ng Pulisya ang galaw ni Roque.

Bagaman iginagalang ni Marbil ang mga pinakakawalang patutsada ni Roque sa kanilang hanay, sinabi ng PNP chief na karapatan niya iyon bilang mamamayan ng bansa subalit iisa lamang ang PNP na dapat mahalin at igalang.

Una rito, nagbabala si PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo sa mga nagkakanlong kay Roque na mahaharap din sa asunto dahil sa pagkakanlong ng isang pinaghahanap ng batas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us