Umaasa si Comelec Chair George Garcia na magtutuloy tuloy ang maayos at payapang paghahain ng Certificate of Candidacy hanggang sa huling araw ng filing (October 8).
Sa press conference matapos ang unang araw ng CoC filing, sinabi ni Garcia na walang naitalang “untoward incident” sa day -1.
Patuloy anyang nakamonitor ang poll body sa mga lugar kung saan itinuturing na mainit ang election.
Nakahanda rin umano Armes forces of the Philippines at Philippine National Police na magdeploy ng kanilang personnel sa mga potensyal ba election hotspots.
Samantala.. nagpaalala ang COMELEC chief sa lahat ng magfafile ng COCs na kumpletuhin ang kanilang dokumento upang maiwasan na masayang ang kanilang pagpunta sa Comelec dahil mahigpit sila sa kinakailangang requirments sa coc filing. | ulat ni Melany Reyes