Pulis at truck driver sa viral road rage, nagkaayos na; Imbestigasyon sa pulis, tuloy pa rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo na sa barangay ang sinibak na pulis at ang truck driver na sangkot sa viral road rage incident sa NLEX-Mindanao Avenue sa Valenzuela City.

Gayunpaman ayon kay PNP Civil Security Group Spokesperson Police Lieutenant Colonel Eudisang Gultiano, tuloy pa rin ang administrative investigation sa pulis na nakadestino sa kanilang regional office.

Maaari pa ring maharap sa suspensyon ang pulis na may ranggong staff sergeant oras na mapatunayang gumamit ito ng ‘excessive force’.

Sinabi rin ni Gultiano, sa isang ambush interview sa Kampo Crame na binawi na ng PNP CSG ang service firearm na ginamit ng pulis sa viral video.

Sa kuha ng video ni Joseph Asuncion, makikita kung paano hinabol ng pulis ang truck na umano’y tumakas matapos masagi ang kanyang sasakyan.

Bitbit ang baril, pinababa ng nakasibilyang pulis ang lalaking driver at tila tinadyakan pa bago pinadapa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us