Suspek sa pagpatay sa mag-asawang online seller sa Pampanga, tukoy na ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang gunman sa pagpatay sa mag-asawang online seller na sina Arvin at Lerma Lulu sa Mexico, Pampanga.

Sa isang panayam kay PNP-Police Regional Office 3, Regional Director Brigadier General Red Maranan, kinumpirma nito na batid na nila ang kinaroroonan at pagkakakilanlan ng salarin.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operations upang madakip ang mga suspek, at matiyak na makamit ng pamilya ng mga biktima ang hustisya.

Ayon kay BGen. Maranan, prayoridad nila ang kasong ito at sinisilip ang lahat ng posibleng anggulo at motibo sa krimen.

Hindi nagbigay ng deadline si Maranan sa Provincial Director upang masigurong masusi at detalyado ang imbestigasyon.

Samantala, nasa pangangalaga na ng mga kamag-anak ang anim na taong gulang na anak at labing-apat na taong gulang na pamangkin ng mga biktima.

Inatasan din ang Regional Medical Unit na bisitahin ang mga bata at suriin ang kanilang kalagayan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us