Nagkasundo ang Department of Agriculture, Korea Agricultural Machinery Industry Cooperative at Cabanatuan City LGU para sa pagtatayo ng Korea Agricultural Machinery Industry Complex.
Ito ang kauna-unahang Local Agricultural Machinery Manufacturing Cluster Project na magpapahusay sa agricultural mechanization sa buong bansa.
Ayon sa DA, makakatulong ito para mapabuti ang pagiging produktibo at ang seguridad ng pagkain sa bansa.
Isang kasunduan ang nilagdaan na nina DA Sectetary Francisco Tiu Laurel Jr., KAMICO Chairman Shin Gil Kim, at Cabanatuan City Mayor Myca Elizabeth Vergara para sa proyekto.
Pangunahing Components ng partnership na ito ang paglikha ng isang Assembly Production Line, Research and Development sa Agricultural Machinery Technology, Workforce Training, at ang pagbibigay ng Official Development Assistance. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DA