Palalakasin pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang “cyber tools” upang malabanan ang mga banta sa cyber domain ng bansa.
Ito ang tinuran ng AFP makaraang selyuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Self-Reliant Defense Posture (SRDP) Program ng Pamahalaan.
Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, kabilang ang “cyber domain” sa mg dapat bantayang hamon kung ang pinag-uusapan ay external threat.
Ilan sa mga palalakasin ng AFP ay ang threat detection system at artificial intelligence para sa information gathering gayundin ang advanced encryption technique na panlaban naman sa hacking at iba pang banta.
Giit ni Padilla na isa ring Cyber Security expert, mahalaga ang nasabing hakbang upang proteksyunan ang critical infrastructure at military operation mula sa mga potensyal na digital na pag-atake.
Magugunitang ikinabahala ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr ang presensya ng iligal na POGO sa Bamban sa Tarlac na malapit lamang sa mga Kampo Militar sa bayan ng Capas. | ulat ni Jaymark Dagala