1 nasawi at 5 ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Shariff Aguak sa Maguindanao sa huling araw ng COC filing – PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na isa ang nasawi at lima ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Shariff Aguak sa Maguindanao, kahapon sa kasagsagan ng paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa Halalan 2025.

Sa isang pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP PIO Chief Police Brigadier General Jean Fajardo sa ngayon ang apat sa mga biktima ay nasa maayos na kalagayan at ang isa ay kritikal ang kondisyon.

Sinabi rin ni Fajardo, na hindi pa maituturing na election related ang nangyaring karahasan sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak dahil ito ay hindi pa pasok sa election period, bagamat ito ay malinaw na politically motivated.

Paliwanag ng opisyal na ikinukonsidera na ang insidente na pasok sa yellow category sa usapin ng seguridad, dahil kabilang ito sa mga lugar na may pangyayari na politically motivated, may mainit na banggaan sa politika, at ang posibilidad ng pagkalat ng loose firearms.

Nabatid na tatlo sa mga nasangkot sa insidente ay mula sa kampo ng kasalukuyang alkalde habang ang tatlo ay mula sa makakalaban nito sa pagka-alkalde sa darating na halalan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us