Itinaas ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) ang meet and assist service fees nito mula sa dating P800, ngayon ay P8,000 na kada tao.
Nagdagdag din ang NNIC ng 3 service options na nagkakahalaga ng hanggang P50,000 para sa hanggang 9 na pasahero, P100,000 para sa 10 to 20 passengers at P140,000 para sa 21 to 30 passengers.
Mahigpit naman na ipinatutupad sa VIP Lounge accommodation na hanggang 10 pasahero lamang at hanggang sa 3 o 4 na guest passes.
May dagdag na P201.60 ang sisingilin ng NNIC sakaling lumagpas sa 10 ang pasahero.
Ang meet and assist service ay isang serbisyo ng NAIA na nagbibigay ng VIP treatment sa mga pasaherong darating o aalis ng bansa.
Matatandaan na nitong Oct. 1, lamang ay nag taas din ng parking fees ang NAIA. | ulat ni Lorenz Tanjoco