Ipinagpaliban ng First Division ng Sandiganbayan ang Arraignment o pagbasa ng sakdal kay dating PS-DBM Usec. Lloyd Christopher Lao.
Ito ay kaugnay sa kasong katiwalian na isinampa ng Ombudsman dahil sa kontrobersyal na paglilipat ng P41.46 bilyong halaga ng pondo ng Department of Health (DOH) sa PS-DBM noong 2020.
Partikular ito sa mga biniling mga test kits, personal protective equipment (PPE), mechanical ventilators, at mga medical mask noong kasagsagan ng pandemya
Kasama sa kinasuhan dito si Former Health Sec. Francisco Duque III.
Ipinagpaliban sa Nov. 11 ang arraignment ni Lao dahil may isinumite itong motion to quash sa COVID-19 graft case.
Bibigyan naman ng 10 araw ang Prosekusyon para magkomento sa mosyon ni Lao. | ulat ni Merry Ann Bastas