PAGASA: Pagpapakawala ng tubig sa 3 dam sa Luzon, patuloy pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa itinitigil ang pagpapakawala ng tubig sa tatlong dam sa Luzon.

Ito ay sa gitna ng patuloy na banta ng pag-ulan dulot ng shearline na nakakaapekto sa bahagi ng extreme Northern Luzon.

Kabilang sa nagbabawas ng imbak na tubig ang Ambuklao Dam sa Bokod Benguet, at Binga Dam sa Itogon ng nasabi ding Lalawigan.

Tuloy-tuloy din ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Isabela mula pa noong Oktubre 12.

Sa kabila nito, naabisuhan naman ang mga residenteng nakatira sa tabing ilog na maging alerto sa posibleng pagtaas ng tubig baha sa kanilang lugar. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us