Chinese na pangatlong beses na-kidnap, naligtas ng PNP-AKG; Chinese kidnapper, arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naligtas ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-kidnapping group (PNP-AKG) at Parañaque PNP ang isang Chinese kidnap victim sa operasyon sa Brgy. Tambo, Parañaque City, kahapon.

Naaresto sa naturang operasyon ang kidnapping suspect na kinilalang si Huchuan Wang, 31, na tubong Chongqing China, at pansamantalang nakatira sa Brgy. Tambo, Parañaque City.

Ayon kay AKG Director Police Brigadier General Rodolfo D. Castil Jr., dinukot ang biktima noong Mayo 14, 2023, at ginamit ng mga kidnapper ang WeChat account ng biktima para manghingi ng P800,000 ransom sa pamilya.

Ayon sa asawa ng biktima, ito ang pangatlong beses na dinukot ng grupo ang biktima sa loob ng nakalipas na buwan.

Dahil sa mahusay na koordinasyon ng AKG sa pamilya ng biktima, natunton nila ang lokasyon ng biktima at naisagawa ang matagumpay na rescue operation.

Ang arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng AKG sa kanilang headquarters sa Camp Crame. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us