Inanunsyo ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado ang balasahan sa mga tauhan na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay bahagi aniya ay bahagi ng pag sasaayos ng airport operations at mas magandang efficiency nito.
Paliwanag ni Viado, ang balasahan ay resulta ng komprehensibong pag-aaral ng airport procedure.
Giit ng opisyal na isa sa prayoridad ng kanyang pamunuan ang pag-sasaayos ng airport operations kaya patuloy aniya ang mga kinakailangang pagbabago para matiyak ang maayos na immigration processs sa airport.
Sa katunayan aniya ay simula palang ang naturang balasahan ng mas maraming structural changes sa mga susunod na linggo.
Dahil dito ay tiniyak ni Viado sa publiko na prayoridad nila ang pangangailangan ng publiko habang tinitiyak na hindi nakokompromiso ang boarder security ng bansa.
Kasama sa balasahan ang mga BI terminal heads sa NAIA gayundin ang hepe ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES). | ulat ni Lorenz Tanjoco