PNP, tututukan ang pagtugis kay Harry Roque sa Mindanao matapos matukoy ang kanyang presensya sa rehiyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na tututukan na nila ang manhunt operation para kay dating presidential spokesperson Harry Roque sa Mindanao.

Ito ay matapos makatanggap ng ulat na posibleng nagtatago ito sa rehiyon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, unang isinagawa ang pagtugis kay Roque sa mga rehiyon ng Central Luzon at Calabarzon, subalit bigo ang mga awtoridad na siya’y matagpuan.

Aniya, tututukan ngayon ng PNP ang lahat ng lugar sa Mindanao, hindi lamang sa Davao City.

Naniniwala ang PNP na may mga kaibigan at kakilala si Roque sa Mindanao, na maaaring tumutulong sa kanyang pagtatago.

Matatandaang si Roque ay nahaharap sa contempt at detention orders mula sa House of Representatives Quad Committee, dahil sa umano’y pagkakasangkot sa mga ilegal na aktibidad ng Philippine offshore gaming operators (POGO) sa bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us