“The House of the People is in order.”
Ito ang pagtitiyak ni House Speaker Martin Romualdez kasunod na rin ng ‘leadership shakeup’ nitong nakaraang linggo
Ayon sa House leader, mananatiling nakatuon ang House of the People sa pag-pasa ng mga panukalang batas at polisiya na tutugon sa problema ng mga Pilipino.
Hindi rin aniya sila magpapatinag sa ano mang pamumulitika o planong pagpapabagsak sa Kamara.
“There is still much work to do, so occasional moves to destabilize the House should be nipped in the bud. The House cannot be distracted from finding legislative solutions to issues that affect the lives of ordinary Filipinos. Rather than engaging in politicking, I would rather that we, in the House of Representatives, remain focused on more urgent matters.”
Aniya, marami silang trabaho na kailangan pang gawin, at tulad ng mabilis na pagpapatibay sa 29 sa 42 priority legislative measures ng Marcos Jr. administration ay mabilis din nilang aaksyunan ang nalalabi pang mga priority bill.
Dagdag pa ni Romualdez na mananatiling kaisa ang House leadership sa ‘Uniteam’ at kabahagi sila sa pagtugon sa isyu ng kuryente, mataas na presyo ng bilihin at serbisyo at iba pa.
Payo pa nito na unahin ang problema ng karaniwang Pilipino at isantabi ang pamomolitika na wala sa tamang panahon.
“Ang mga tunay na problema ng karaniwang Pilipino ang dapat nating unahin, ang dapat nating paglaanan ng atensiyon. Isantabi na po ang pamumulitika na wala sa tamang panahon. Kung mas mapagtutuunan natin nang mas maraming oras ang paghahanap ng solusyon sa mga tunay na suliranin ng karaniwang Pilipino, sama-sama tayong babangon muli.” saad ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes