Inalerto na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Disaster Response Management Group ng ahensya dahil kay bagyong Kristine .
Partikular na ipinag-utos ng kalihim ang kahandaan para sa pagbibigay ng resource augmentation sa mga lokal na pamahalaan na posibleng maapektuhan ng sama ng panahon.
Pinabibilis na rin ng Kalihim sa National Resource Operations Center(NROC) sa Pasay City ang repacking ng mga Family Food Packs (FFPs).
Sa ngayon aniya, may kabuuang 94,838 boxes ng FFPs sa Region 1 (Ilocos Region); 113,296 FFPs sa Region 2 (Cagayan Valley Region); at 62,360 sa CAR.
May kabuuang 186,311 FFP sa NROC ang naka-standby na para sa augmentation sa mga apektadong lokalidad.
Target din ng DSWD na dagdagan ang stockpiles ng Food Packs sa Batanes Island .
Ngayong hapon nakatakdang makipagpulong ang DRMG sa mga regional director para pag usapan ang mga paghahanda at pagtugon sa pagpasok ni bagyong Kristine. | ulat ni Rey Ferrer