NHA Housing Caravan, dumayo sa Bustos Bulacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 454 benepisyaryo ng pabahay sa Bustos, Bulacan ang lumahok sa ikalawang Housing Caravan ng National Housing Authority (NHA).

Pinangunahan ni NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano ang aktibidad, at ipinaliwanag ang kahandaan ng NHA para resolbahin ang problema ng mga benepisyaryo sa bayarin sa pabahay.

Karamihan sa mga isyung inilapit ng mga residente mula Bustos Heights at Bulacan Angat Heights ay ang tungkol sa amortization payments, delinquency interests at notices.

Sinabi ni Feliciano, na nakahanda naman ang NHA na tanggapin ang kahit anong halaga ng bayad ng mga benepisyaryo, basta maging regular lamang aniya ang pagbabayad bawat buwan at mabawasan ang bill.

Nakatakda pang magsagawa ng isa pang housing caravan sa Bulacan sa Nobyembre, para matugunan ang pangangailangan ng mga benepisyaryo ng pabahay sa probinsiya. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us