Bicol Region, isinailalim sa Red Alert Status bilang paghahanda sa bagyong Kristine — OCD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinailaim sa Red Alert Status ang Bicol Region dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Kristine.

Ayon kay Claudio Yucot, Director ng Office of Civil Defense ng Bicol Region at Chairperson ng RDRRMC, naglabas ng memorandum kaninang umaga kung saan inatasan ang lahat ng member agencies, Provincial at Local Disaster Risk Reduction and Management Councils, na magpatupad ng mga hakbang alinsunod sa Charlie protocol o High Risk Protocol.

Ang Charlie protocol, ang pinakamataas na state of emergency preparedness na kailangan ng kagyat na aksyon sa lahat ng miyembro ng RDRRMC at Local DRRMCs, para maprotektahan ang mga komunidad at matiyak ang mabilis at tugon sa panahon ng kalimidad.

Kabilang na rito ang pag-activate ng mga cluster ng RDRRMC gaya ng Health Cluster, Food and Non-Food Items, Camp Coordination and Management, Emergency Telecommunications, Law and Order, Logistics, Search, Rescue, and Retrieval, Debris Clearing, at iba pa.

Binigyang diin naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang kahalagahan ng proactive planning sa panahon ng bagyo.

Patuloy aniya ang pakikipag-ugnayan ng ng Department of National Defense at Office of Civil Defense sa iba’t ibang ahensya bilang paghahanda sa bagyo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us