Itinaas na ng Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC) ang Red Alert status bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Krisitine.
Batay sa ulat ng NDRRMC as of 8am, suspendido na ang klase sa may 81 Paaralan sa mga lugar na nakapailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.
69 sa mga ito ang mula sa rehiyon ng CALABARZON habang nasa 12 naman ang mula sa Western Visayas region.
Una rito, pinagana na ng OCD ang “Charlie” Protocol sa 7 rehiyon sa bansa na siyang pinakamataas na antas ng paghahanda sa epektong dulot ng bagyo.
Kabilang na rito ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Eastern Visayas Regions II, III, V, VIII, CALABARZON, at MIMAROPA, na itinuturing na high-risk areas.
“Bravo” protocol ang nakataas sa Ilocos region at BARMM habang ang “Alpha” protocols naman ang nakataas sa NCR, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at CARAGA. | ulat ni Jaymark Dagala