Nasa ilalim na ngayon ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 ang lalawigan ng Catanduanes dahil sa mga pag-ulang dala ng Bagyong Kristine
Sa latest bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 335 km silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 km/h at pagbugsong 80 km/h.
Nasa ilalim naman ng TCWS No. 1 ang mga ss na lugar:
Luzon
Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon kabilang ang Pollilo Islands, Masbate including Ticao Island, Burias Island, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon
Visayas
Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte
Mindanao
Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Group
Kaignay nito, nagpalabas na rin ng surge warning ang PAGASA kung saan pinagiingat sa storm surge ang mga nasa low-lying o coastal localities sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Aurora, Isabela, at Cagayan.
Nakataas din ang gale warning sa eastern seaboard ng Luzon, southern seaboard ng Southern Luzon, at eastern seaboard ng Visayas.
Inaasahan namang dahan-dahan pang lalakas ang Bagyong Kristine at magiging isang severe tropical storm bago mag-landfall sa Isabela o hilagang Aurora bukas ng gabi (23 Oktubre) o sa madaling araw ng Huwebes (24 Oktubre). | ulat ni Merry Ann Bastasa