Target ng bagong liderato ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maibaba sa 25 ang bilang ng mga heneral ng Philippine National Police (PNP) na kasalukuyang nasa higit 130.
“Will let them retire and then… it’s the plan, just one of my recommendations to flatten the organization.” —Remulla
Ito ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla ay dahil maraming area sa PNP structure ang redundant. Ibig sabihin, may mga heneral sa kasalukuyan na wala namang command o wala namang mga tao ang nasa ilalim nila.
Isa aniya ito sa mga rekomendasyon para sa reporma sa structure ng PNP, na inilatag sa sectoral meeting sa Malacañang ngayong araw (October 22).
“There are a lot of generals now without commands. If you look at it, mayroon tayong APC – Area Police Command na wala namang tao sa ilalim nila ‘di ba so marami tayong mga lugar na redundancies na kailangang i-trim down. It’s a 32-year old law na kailangang bisitahin ulit so those are the things that we will examine. Again, nothing’s final. It’s recommendatory so wala pang ina-approve.” —Remulla
Paliwanag ng kalihim, ang promosyon ng PNP Generals ay nakabase sa Civil Service Rule, kung saan kada tatlong taon at kung kwalipikado naman sila sa promotion, aangat ang ranggo ng mga ito.
“They function on Civil Service rules. Every three years ang promotion, so kung qualified sila, promote nang promote. So we want to change that. Make it five years, para mas bumagal ang promotion. Kasi nagiging top heavy. Maraming provincial directors after two years of service full coronel sila, ‘di pa sila eligible na ma-promote. So, floating sila. There are things we have to change para mas efficient sila.” —Remulla
Nais aniya nila itong iakyat sa limang taon, upang mapabagal ang promotion sa hanay ng PNP na sisiguro sa pagiging episyente ng mga general na mauupo sa Pambansang Pulisya.
Nasa 32 taon na aniya ang tanda ng batas na ito, at kailangan nang silipin upang makasabay sa pangangailangan ng kasalukuyan panahon.
Sabi ng opisyal, mahigpit na ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa UP Public College of Administration, para sa iba pang detalye ng mga ipatutupad ng structural reform na ito.
“Iyong mga reforms na iyan is recommendatory four months from now. We’re working together with the UP College of Public Administration para makakuha ng kumpletong detalye kung paano namin mari-reform lalong-lalo na iyong structure kasi very top-heavy ang PNP ngayon. I think we have 133 generals, parang gusto kong i-whittle down to 25 para mas flat ang organization. So, that’s are some of the recommendations that we’re gonna make.” —Remulla.
Ayon sa kalihim, bukas naman si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa mga rekomendasyong ito. | ulat ni Racquel Bayan