Aabot na sa mahighit 77,000 pamilya o mahigit 382,000 indibiduwal ang apektado ng bagyong Kristine.
Batay ito sa 8am update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Mahigit 3,000 pamilya o mahigit 12,000 indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa may 306 evacuation centers.
Nagmula ang mga apektado sa mga rehiyon ng Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Sa kasalukuyan naman ay wala namang naitatalang nasawi dahil sa bagyo subalit may isang napaulat na nasugatan habang tatlo naman ang nawawala. | ulat ni Jaymark Dagala