NDRRMC: Halos 90 kalsada sa Bicol Region, di madaanan dahil sa epekto ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 89 na mga lansangan ang hindi madaanan ngayon sa Bicol Region dulot ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Maliban dito, nasa 10 tulay ang hindi rin madaanan bunsod naman ng mga naitalang landslide.

Pinakamarami ang naapektuhan sa Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Masbate at Camarines Norte.Samantala, nasa 28 lugar din sa Bicol region ang kasalukuyang walang suplay ng kuryente at bagsak din ang linya ng komunikasyon partkular na sa Garchitorena, Camarines Sur.

Patuloy ang ginagawang assessment ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office upang matukoy ang kabuoang pinsala na idinulot ng bagyo para makapagsagawa ng hakbang para sa rehabilitasyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us