QCPD, naka full alert status na dahil sa bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilagay na sa heightened alert status ang Quezon City Police District (QCPD) bilang tugon sa magiging epekto ng bagyong Kristine.

Ayon kay QCPD Director Police Colonel Melecio Buslig, bahagi ito ng activation ng Law and Order Response Cluster na epektibo ngayong araw.

Nakahanda nang magbigay ng emergency response at humanitarian assistance ang pulisya sa mga maaapektuhang komunidad sa buong Quezon City.

Pinakilos na rin ni Col. Buslig ang District Reaction Standby Support Force (DRSSF), kasama ang Red Teams na naka-deploy na upang masuri ang kahandaan ng iba’t ibang QCPD units para sa mga potensyal na search and rescue operations.

Pagtiyak pa ng QCPD Chief ang pakikipagtulungan sa local disaster risk reduction and management councils (LDRRMCs) at local government unit para mapalakas ang kahandaan at mabilis na pagtugon sa mga posibleng  mangyari na dulot ng sama ng panahon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us